Nagbabalik-teleserye na nga ang tinaguriang "Queen of Soap Opera" na si Judy Ann Santos-Agoncillo para sa "The Bagman" kasama ang Kapamilya artists na sina Arjo Atayde at John Arcilla, produced by ABS-CBN International Production.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Juday na umere sa TV Patrol, hindi naman daw nawawala ang excitement at nerbiyos sa tuwing may proyekto siyang gagawin.

"Starla was my last... of course exciting, hindi naman mawawala 'yong excitement, nandiyan 'yong nerbiyos, nandiyan 'yong pagkakaroon ng cold feet, ang dami nang... hindi ko alam actually kung saan ako magsisimula... I played it by year, titingnan mag-oobserve muna ako para ulit akong nag-aaral ng Grade 1," aniya.

Matatandaang nag-lie low si Juday sa paggawa ng mga serye at pelikula upang i-prioritize ang kaniyang pamilya at negosyo.

Teleserye

Bathtub scene nina Andrea at Jake, inabangan; aprub ba?

Excited na rin ang Juday fans na muli nilang masilayan at mapanood ang iniidolo, lalo't ito ang first time na gaganap bilang presidente ng Pilipinas ang misis ni Ryan Agoncillo.

"I am excited about this teleserye. Judy Ann is one of my favorite actresses and I can't wait to watch this!"

"Yes super excited na kami the legit Queen Juday is back."

"The queen is back, ganda at nakakataba ng puso ang mga sinabi Ms. Sylvia.. Kudos to the Prime Supertar and the one and only Prime Superstar and teleserye queen..."

Isa pala sa co-producer nito ay ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez, na una nang nakasama ni Juday sa teleseryeng "Esperanza."

Aniya, non-negotiable daw ang pagkakapili nila kay Judy Ann na target ang global audience.

"Ikaw ang peg eh. Ikaw ang inspirasyon. Kaya sabi ko talaga, 'Hindi ito puwedeng matuloy ang Bagman nang hindi si Judy Ann Santos kasi pinangarap 'to ng anak ko,'" paliwanag niya.

Kaya naman, malaki ang pasasalamat ni Juday sa buong production staff dahil willing daw silang maghintay para sa kaniya.

"They are willing to wait for me. Nakaka-overwhelm 'yong trust na ibinigay sa akin," aniya pa.