Bagong pasok pa lang pero "dinogshow" na agad ng mga netizen at avid viewers ng "FPJ's Batang Quiapo" ang mahuhusay na aktres na sina Malou Crisologo at Tessie Tomas na baka hindi sila magtagal sa serye dahil sa "ginawa" nila kay Tindeng, ang karakter na ginagampanan ni Charo Santos-Concio.

Sa epektibong pagganap ng dalawang bagong pasok na batikang artista sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin, ang karakter pala rito ni Tessie na "Senyora Bettina" ay magaspang pala ang ugali at pinatikim kaagad si Charo ng katarayan matapos siyang lutuan ng tinola.

Nagalit naman sa kaniya ang karakter na mayordoma ni Malou na si "Pacing" na sinigawan pa siyang "Tonta!"

Biro ng mga netizen, baka raw "madispatsa" na kaagad ang dalawa matapos pagsalitaan si Charo, dahil matatandaang isa sa mga big boss ng ABS-CBN ang aktres.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

"Sobra k nmn Seniora Bettina ang lupet mo nmn s miss charo ang kaharap mo hahaha lagot k"

"Nako lagot ka senora bettina last week mo na ngayon si mam charo yan hahaha"

"Mukhang may mapapaagang mapaalis sa Batang Quiapo hahaha, si Ma'am Charo pa sinigawan n'yo ng tonta ha."

Pero mukhang all goods naman si Charo kina Tessie at Malou, kaya huwag masyadong seryosohin dahil dala lang ito ng kanilang mahusay na pagganap.

Si Tessie ay "kakaahon" lang sa success ng "Dirty Linen" sa kaniyang markadong pagganap bilang si "Donya Cielo."

MAKI-BALITA: ‘May napa-wow, may nabitin, may humihirit ng sequel!’ Finale ng Dirty Linen, trending

MAKI-BALITA: Pilot episode ng Dirty Linen, pinag-usapan; karakter ni Tessie Tomas, ‘pa-shade’ nga ba?

Si Malou naman ay naging parte rin ng "FPJ's Ang Probinsyano" at minsan nang nataguriang "tunay na reyna ng ABS-CBN Primetime Bida" dahil nagkaroon ng panahong halos kasama siya sa cast ng lahat ng umeereng serye tuwing gabi.

MAKI-BALITA: Malou Crisologo, bagong ‘Queen of Primetime Bida’ daw; bakit kaya?