Tuluyan nang tinuldukan ng aktres na si Sarah Lahbati ang umuugong na balitang hiwalay na umano sila ng asawa nitong si Richard Gutierrez.

Sa eksklusibong panayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe nitong Biyernes, Marso 1, inusisa niya si Sarah kung single na ang relationship status nito.

“Yeah, I mean, there's nothing to hide. I think it's pretty clear to the public that both of us are [single], I think," sagot ni Sarah.

Kamakailan lang ay kinumpirma ni Sarah na hindi na sila nag-uusap ni Richard at co-parenting sila sa dalawa nilang anak na sina Kai at Zion.

Relasyon at Hiwalayan

Mommy ni Gerald Anderson, humihirit na ng apo?

“We’re good at parenting. And we are there for the kids. That’s all I’m gonna say. Of course, it’s not ideal for the children. But that’s life. And they’ll be fine,” sabi niya.

MAKI-BALITA: Sarah, kinumpirmang wala nang komunikasyon kay Richard

Matatandaang noong Disyembre 2023 ay sunod-sunod na nagbigay ng pahayag ang biyenan niyang si Annabelle Rama sa gitna ng umuugong na balitang hiwalay na umano sila ng anak nito.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

Nagsimula ang alingasngas na hiwalay na sina Sarah at Richard nang mapansin ng mga netizen na hindi magkasama ang dalawa sa mga ibinahagi nilang larawan sa kani-kanilang Instagram account noong Nobyembre 4.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na