Kwelang ibinahagi ni Senador Robin Padilla na ang sikreto raw kung bakit matibay ang relasyon nila ng kaniyang misis na si Mariel Rodriguez-Padilla ay dahil inaaway raw siya nito.

"So in love pa rin talaga kayo sa isa't isa?" tanong ng broadcast journalist kay Robin sa kaniyang latest vlog.

"Inaaway niya kasi ako e," sagot ni Robin

"'Yung totoo?" natatawang tanong ni Karen.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

"De totoo. Totoo," paniniguro ng senador.

"Ah talaga, I'm thinking the more it won't work kung inaaway ko siya 'cause in my head never ko siyang inaaway," depensa naman ni Mariel.

Nang matanong naman ni Karen kay Robin kung takot siya kay Mariel, sagot ng senador ay may boundary sila. Dahil may pagkakataon na dapat daw matakot siya kay Mariel at gayon din si Mariel sa kaniya.

"May boundary 'yan e. May mga lugar na teritoryo niya katulad ng bahay. Kapag sa bahay talagang siya ang boss. Siya ang speaker of the house," ani Robin.

Matatandaang ikinasal sina Robin at Mariel noong 2010. Mayroon silang dalawang anak na babae na sina Isabella and Gabriella.