Nakakaloka ang kuwento ng singer-actor na si Juan Karlos "JK" Labajo tungkol sa ginawa ng isang fan.

Sa ulat ng PEP, naranasan na pala ni JK na mapagnakawan ng personal belonging, pero take note, ang ninakaw sa kaniya ay unwashed at ginamit niyang underwear!

Aniya, nagulat na lang daw siya nang mawala ang kaniyang brief nang minsang mag-show sila. Dahil sadyang pawisin, talagang nagpapalit daw ng damit at underwear si JK. Nagtaka raw siya nang biglang mawala ang hinubad na underwear.

Nagulat na lang siya nang mapag-alamang ipinost ito online at ibinebenta na!

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"'Underwear ni JK.' Tapos parang times five 'yong presyo ng underwear," natatawang sabi ng singer ng hit song na "Ere."

"Tapos parang nakalagay pa yata sa description na 'never been washed,'" dagdag pa.

Ang tanong nito, may bumili naman kaya sa unwashed undie ni JK?

Sa kabila nito, nagpapasalamat si JK sa mainit na suporta sa kaniya ng fans, kahit na minsan, weird ang pinaggagawa ng iba.