Naintriga ang madlang netizens sa ibinahaging larawan ng ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati sa social media account nito.

Sa isang Instagram post kasi ni Esther nitong Biyernes, Marso 1, makikita sa naturang larawan na kasama niya ang kaniyang asawa sa harap ng gusali ng Department of Justice o DOJ.

“#Finally na post ko na rin itong picture na to taga rito ako sa Philippines ngayon lang ako naka pag pa picture dito sa DOJ.🇵🇭,” saad ni Esther sa caption.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

“Feeling ko si Cristy fermin may demanda nanaman.”

“Laban tita😍”

“Im with ms. Sarah this time . As a woman and as a mom ipaglabanan ang dapat ! para sa tama ❤️ wag magpaapi”

“WALANG MANGAAPI KUNG WALANG MAGPAPAAPI.Walang masama sa itama ang MALI, dahil kung hindi mo puputulin ang MALI , patuloy nilang gagawin ang MALI, dahil NAGTATAMA SA KANILA SA TAMANG PARAAN.Galit ako mga taong kinukunsinti ang MALI. PRAYERS FOR YOU and SARA .🙏🙏🙏❤️💙💖👍”

“Sana para sa matandang bungangera ito pagpunta nila ng doj😂”

“Sana para yan kay matandang chicmosa😂”

“Ano Po ba mommy estherlahbati nangyari bakit Po kayo na sa DOJ?”

Matatandaang kinumpirma na ni Sarah sa eksklusibong panayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipine na hiwalay na raw sila ni Richard Gutierrez.

MAKI-BALITA: Sarah Lahbati, kinumpirmang hiwalay na sila ni Richard Gutierrez

Pero bago pa man ito, nauna nang pinatotohanan ni Sarah na hindi na sila nag-uusap pa ni Richard.

MAKI-BALITA: Sarah, kinumpirmang wala nang komunikasyon kay Richard