Nasurpresa daw ang aktor na si Jake Ejercito sa unang pagkikita nila ni Albie Casiño matapos ang kanilang isyu sa ex-jowa nilang si Andi Eigenmann.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz nitong Biyernes, Marso 1, inusisa niya kay Jake ang tungkol sa bagay na ito lalo na ngayong pareho na silang bahagi ng teleseryeng “Can’t Buy Me Love.”

“Nagkita kayo ni Albie Casiño?” usisa ni Ogie.

“A, sa taping? Hindi,” sagot ni Jake.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Mayroon siyang lumabas na interview na parang nagkita kayo,” saad pa ni Ogie.

“Yeah,” pagkumpirma ng aktor. “I mean, we’ve seen several times sa mga events or even sa labas. We bumped into each other. Not that often. But several times.”

“Pero siya kasi ang nagsabi sa interview na nagkita raw kayo. Siya ang unang nag-approach sa ‘yo. Tapos parang wala naman daw problema. Parang nilinaw niya: ‘Wala tayong problema, pare.’ So, anong naging pakiramdam mo sa approach niya tapos gano’n ka-okay?” 

“First time kasi na nagkita kami—if I’m not mistaken—two years ago sa isang bar. I was surprised that he was the one who approached me out of nowhere,” tugon ni Jake sa tanong ng showbiz insider.

“And then we’re able to clarify certain things. Di naman siya seryosong conversation na nag-heart-to-heart kami. It was very casual,” aniya.

Dagdag pa ni Jake: “Mas naging clear lang sa akin—and I’m assuming na sa kaniya rin—na walang beef, walang bad blood between us. Wala akong problema sa kaniya ever. And I hope wala rin siyang naging problema sa akin.”

Matatandaang naging mainit na usapan sa showbiz industry noong 2011 ang pagbubuntis umano ng 20-year-old actress na si Andi.

Isa sa mga pinaghihinalaang ama ng dinadala ng aktres ay si Albie na noon ay 18-year-old pa lang at kauna-unahang girlfriend umano ni Andi.

Pero makalipas ang mahigit limang taon, inamin mismo ni Jake sa isang panayam na siya raw mismo ang ama ng dinadala ni Andi noong 2011.