Marami raw ang nakakapuna na tila nagiging kahawig na raw ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach si Kapuso star Heart Evangelista sa unang tingin.

In fact, sa latest episode ng Showbiz Update noong Miyerkules, Pebrero 28, napuna rin ni showbiz insider Ogie Diaz ang resemblance ng dalawa.

“Parang nagiging kamukha na ni Heart Evangelista si Pia Wurtzbach,” pahayag ni Ogie na sinang-ayunan naman ng co-host niyang si Mama Loi.

“Obviously naman, Tito Ogie, Mama Loi, syempre ‘yong dating glam team ni Heart ay glam team ngayon ni Pia. Kaya hawig na hawig. Pati nga ‘yong mga video napanood ko,” saad naman ng isa pang co-host na si Dyosa Pockoh.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Pero ayon kay Ogie: “E, dapat iniiba. Kasi pwede nating palabasin ‘yong ibang look naman ni Pia. Bakit kailangan isunod kay Heart? Pati ‘yong mga model-model, ‘yong mga shots, ‘yong mga reels. Parang ‘ay, pareho ng bihis!’”

Kaya sana “ceasefire” na raw para sa ikaaayos ng buhay ng bawat isa. Hindi naman daw kasi kailangang magpatalbugan nina Heart at Pia dahil pareho lang naman daw silang may taglay na ganda.

Matatandaang Hulyo noong nakaraang taon nang mapabalitang nagkaroon umano ng gusot sa pagitan ni Heart at ng kaniyang dating glam team.

MAKI-BALITA:  ‘Nag-unfollowan pa!’ Heart, nilayasan na raw ng glam team?