May inamin si Kapuso actor Tom Rodriquez tungkol sa kaniyang lovelife matapos ang mahigit dalawang taon niyang pananatili sa Amerika.

Sa eksklusibong panayam kasi ng GMA Integrated News, inusisa ni Nelson Canlas si Tom kung handa na raw ba siyang umibig ulit.

“Yeah,” mabilis na sagot ni Tom. “I am now. In fact, I am seeing someone.”

Pero ayon sa aktor, inayos daw muna niya syempre ang kaniyang sarili bago siya muling nagbukas ng puso para sa ibang taong nagnanais pumasok doon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Once I was ready, it came at the right time. ‘Cause at that point I thought it would never happen again,” saad niya. 

Gayunpaman, hindi raw muna ipapakilala ni Tom sa publiko kung sino ang tinutukoy niyang idine-date niya sa kasalukuyan.

“Magdadamot ako ‘ata. Like I said, I really want to keep it to myself. But like I said, I’ll live my life like how it is. So, siguro what you see is what you get,” pahayag pa ni Tom.

Matatandaang noong 2022 ay napabalita na hiwalay na raw sila ng asawa niyang si Carla Abellana. In fact, lumipad pa nga si Tom pa-Arizona.

MAKI-BALITA: Carla at Tom, inaasikaso na raw ang annulment; aktor, may ‘pawasa-kadena’ IG story

MAKI-BALITA: Carla, sumabog na; binasag ang katahimikan tungkol sa isyu ng hiwalayan nila ni Tom

Samantala, sa isang hiwalay na panayam, ibinahagi rin ng kaniyang estranged husband na si Carla ang reaksiyon nito sa muling pagbabalik-bansa ni Tom.

MAKI-BALITA: Carla Abellana, ready humarap kay Tom Rodriguez