Humingi ng paumanhin ang “After All” star na si Kelvin Miranda matapos siyang punahin ng mga netizen sa pagnguya ng chewing gum sa national tv kamakailan.

Sey kasi ng ilang netizen sa social media, hindi raw magandang tingnan ang ginawa ni Kelvin. Parang wala raw manners at etiquette ang aktor.  

“di nakakmagandang tignan pero alam agad na tiga sparkle siya”

“i rmb prof ko before sa polsci lagi niyang sinasabi na pangit daw talaga yung nag gugum if nag pupublic speaking or whenever you're talking to someone (what more if nasa national tv ka) and even if you're nervous and needed a gum make sure na din na di ganyan pag nguya. etiquette.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Sino itong walang manners.... chewing a gum! Unethical naman.”

Sa Facebook post ni Kelvin noong Miyerkules, Pebrero 28, nilinaw naman niyang wala raw siyang gustong bastusin o tapakan ng moral sa ginawa niya.

“Pag nguya ng gum sa premier at tv. Opo ako nga po ito. Kalma lang po kayo, wala naman akong gustong bastusin or tapakan na moral dito. Sakin lang ay bago pa po sakin ang pakiramdam ng lahat di ko alam paano i-handle ang emosyon at lahat ng pangyayare. Idinaan ko nalang sa pag che-chewing gum,” pahayag ni Kelvin.

“Pero ‘wag kayo mag-aalala humihingi ako ng pasensya sa lahat at hindi na mauulit. Naging coping mechanism ko siya which is not good. Hindi ko siya ginagawa para magmukhang gwapo or pagpapagwapo sadyang doon ko binubuhos ang panginginig ng katawan ko dahil sa dala ng nerbiyos,” aniya.

Dagdag pa niya: “Hirap ako i-manage ang nararamdaman ko no’ng mga oras na ‘yon. Again pasensya na sa lahat ng nakapuna. Salamat sa pagpuna nito gawin kong aral at hindi na masundan pa ng ibang pagkakataon.”

Ang pagnguya ni Kelvin ng bubble gum ay nangyari sa “It’s Showtime.” Matatandaang kasama si Kelvin ng co-star niyang si Beauty Gonzalez sa muling pagtuntong nito sa bakuran ng ABS-CBN para i-promote ang kanilang pelikula.

MAKI-BALITA: Matapos lumundag sa Kapuso: Beauty Gonzalez, nakabalik sa Kapamilya