Isang magnitude 4.8 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng madaling araw, Marso 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:24 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 90 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 5 kilometro.

Naulat ang Intensity II sa Marihatag, Surigao del Sur habang IIntensity I sa City of Tandag, Surigao del Sur.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.