National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Isa na namang mananaya ang naging instant milyonaryo matapos mapanalunan ang mahigit sa ₱175.1 milyong jackpot sa 6/58 Ultra Lotto draw nitong Biyernes ng gabi.

Hindi pa isinapubliko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kung taga-saan ang nabanggit na mananaya.

Nahulaan ng mananaya ang winning combination na 04-07-57-05-54-47, ayon sa PCSO.

Ang premyo ay kakaltasan ng 20 porsyentong buwis alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Matatandaang aabot sa ₱571 milyong jackpot ang naiuwi ng isang taga-Albay makaraang mahulaan ang winning combination ng Ultra Lotto na 19-35-25-42-58-05 sa draw noong Disyembre 29, 2023.

Binobola ang Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo.