Nagtataka ang mga netizen sa video ni "Tahanang Pinakamasaya" host Cassy Legaspi kung bakit ipinakita niya ang "Holy Bible" habang pa-twerk na sana siya.

Sa isang short video na makikita sa kaniyang social media platform, makikitang umanggulo ng pag-twerk si Cassy subalit hindi niya tinuloy dahil inilabas niya ang isang pink na libro na ang nakalagay ay "Holy Bible."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens. May mga hindi natuwa sa kaniyang ginawa at may ilan namang nagsabing baka nais niyang hikayatin ang lahat na magbasa ng bibliya.

"ipabasa mo sa mama mo"

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Anong connect Ng bible sa content mopo? Please respect it.. the Bible is Holy po and we should use it in the right way .I'm not a basher or a fan, pero bible po Yan eh, and it is written all the scripture is Inspired by God.. kung Ang nais nyo pong iparating sa public through this content na magbasa ng bible,or you have a bible, I content mopo Ng maayos sana. God bless"

"She was suppose to twerk.. but instead she showed the bible and stopped.. Shes encouraging everyone to read the bible instead for twerking.."

"Kung ggwa ka ng ganyag video wag mo yan hahawakan girl..masydong kulang s pansin.."

"Dinamay pa bible sa kung ano ano gnagawa haist mga Bata now tlgah halos di na nag iisip if Tama ba gangawa"

"I think she wants to say instead of twerk or flexing your body just be a good person and respect yourself."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Cassy o maging ang mga magulang niyang sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi kaugnay nito.