Bumalik sa bakuran ng ABS-CBN ang Kapuso star na si Beauty Gonzalez matapos ang ilang taon matapos ang paglipat sa mahigpit na karibal nito na GMA Network na siyang home network niya ngayon.

Pero ito ay para sa promotion ng pelikula nila ng katambal na si Kelvin Miranda na "After All" na naganap nitong Pebrero 27 sa noontime show na "It's Showtime."

Si Kelvin naman ay first time na mapanood sa isang ABS-CBN show.

Masaya raw si Beauty na muli siyang nakatuntong sa bakuran ng Kapamilya Network, na unang nagbigay ng proyekto at nagpasikat sa kaniya.

Pelikula

'Kinilabutan ako!' Unang pasilip sa 'Hello, Love, Again,' umani ng reaksiyon

"Ang sarap ng pakiramdam na makabalik dito sa ABS-CBN at makita kayo. Walang nagbago. You guys look so beautiful and energetic,” aniya.

Matatandaang naging housemate si Beauty sa Pinoy Big Brother bago sumabak sa pag-arte.

Ang pinakamalaking break ni Beauty ay ang hit teleseryeng "Kadenang Ginto" kung saan nagmarka na ang karakter niyang si Romina Mondragon.

Malayang nakakatapak sa It's Showtime ang Kapuso artists at nakakapag-promote dahil napapanood ito sa GTV, ang sister channel ng GMA.