Aware ang estranged wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati sa mga bansag na ipinupukol sa kaniya gaya ng "Waldas Queen," "Gastadora Queen," at "Patron Saint of Waldas."

Sa kabila nito, hindi naman daw napipikon si Sarah, bagkus ay tinatawanan na lang ito.

Sey niya sa panayam ni TV5 showbiz news reporter MJ Marfori, kung seseryosohin niya ang mga okray at hanash ng mga tao ay madaling puputi ang mga buhok niya at hindi magiging masaya sa buhay.

Kaya tine-take daw niya lightly ang mga pasaring na ito sa kaniya.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Aniya pa, afford niyang magwaldas dahil nagwo-work hard siya para dito para may panggastos sa mga gustong bilhin sa sarili, sa mga magulang, at lalo na sa mga anak nila ni Chard.

Ibinida rin ni Sarah na mahusay siya pagdating sa pag-iipon at paghawak ng kaniyang kaperahan.

"Natatawa ako, kasi we have to take things lightly 'di ba, or else puputi buhok natin and hindi tayo magiging happy, so natutuwa ako sa lahat ng taong tumatawag sa akin ng Patron Saint of Waldas, natatawa ako," sey ni Sarah.

"Everyday may comment about it. I'm very proud to say that I'm good at saving, I'm good at finances, I'm working hard to provide for my children, for myself and my parents, and helping my mom and my dad so I think I'm very good at saving and handling my finances."

MAKI-BALITA: Sarah Lahbati pikon ba sa bansag na ‘Patron Saint ng mga Waldas?’

Lalo na ngayon at may bagong teleserye si Sarah na "Lumuhod Ka Sa Lupa" na mapapanood sa TV5, tiyak na marami na naman siyang "pangwaldas."

Matatandaang nag-ugat at lumutang ang isyung ito nang magbitaw ng mga pahayag ang mother-in-law na si Annabelle Rama kaugnay ng hiwalayan nila ng anak nitong si Richard.

Sey ni Bisaya, panay raw gastos ang "isa" samantalang ang anak niya, panay kayod sa trabaho.

Bagama't walang direktang pahayag kontra sa sinabi ng biyenan, makikita sa posts ni Sarah na wafakels siya at panay gastos nga.

Sa halip na maapektuhan ay tila lalo pang "nang-asar" si Sarah matapos niyang i-flex ang mga bagay na pinagbibibili niya.