Nagsalita na ang aktres na si Sarah Lahbati kaugnay sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ng asawang si Richard Gutierrez.

Sa eksklusibong panayam ng One PH nitong Miyerkules, Pebrero 28, kinumpirma ni Sarah na hindi na raw sila nag-uusap pa ni Richard.

“Nag-uusap na kayo ni Richard ngayon?” tanong ni broadcast journalist MJ Marfori sa aktres.

“No,” sagot ni Sarah.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Gayunpaman, nasa mabuting kalagayan naman ang anak nila ni Richard na sina Zion at Kai dahil co-parenting sila ng aktor.

“We’re good at parenting. And we are there for the kids. That’s all I’m gonna say,” aniya.

“Of course, it’s not ideal for the children. But that’s life. And they’ll be fine,” sabi pa niya.

Matatandaang noong Disyembre 2023 ay sunod-sunod na nagbigay ng pahayag ang biyenan niyang si Annabelle Rama sa gitna ng umuugong na balitang hiwalay na umano ang anak niyang si Richard kay Sarah.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

Nagsimula ang alingasngas na hiwalay na sina Sarah at Richard nang mapansin ng mga netizen na hindi magkasama ang dalawa sa mga ibinahagi nilang larawan sa kani-kanilang Instagram account noong Nobyembre 4.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na