Kalunus-lunos ang pagkamatay ng isang pulis-Bulacan nang masagasaan ng isang government vehicle matapos mahulog sa sinasakyang patrol car sa San Miguel, Bulacan nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sa report ng Bulacan Police Provincial Office, nakilala ang nasawi na si Patrolman Edmond John Arenas, 26, taga-Barangay Buliran, Cabanatuan City, Nueva Ecija, agt nakatalaga sa 2nd Provincial Mobile Force Company, Patrol Base sa Brgy. Buhol na Mangga, San Ildefonso, Bulacan,

Sinabi ni Bulacan Provincial Director Col. Relly Arnedo, ang insidente ay naganap sa national highway sa Brgy. Balite, San Miguel, dakong 5:00 ng madaling araw.

Patungo na sana sa Manila si Arenas, kasama ang driver ng police-marked vehicle na si Patrolman Klein Orbita nang bigla itong mahulog mula sa sasakyan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matapos mahulog, nasagasaan din ito ng Mitsubishi L-200 (SJS-946) na pag-aari ng local government ng Villaverde, Nueva Vizcaya at minamaneho ni Joel Rivera, 53, taga-No. 16 Urban St., Ibung Villaverde, Nueva Vizcaya.

Dead on arrival si Arenas sa San Miguel District Hospital dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Nakapiit na sa San Miguel Police Station si Rivera at inihahanda ang kaso laban sa kanya.