Kinaaliwan ng fans, supporters, at netizens ang sagot ng tinaguriang "Asia's Limitless Star" na si Julie Anne San Jose sa "Fast Talk" portion ng Fast Talk with Boy Abunda nang tanungin na siya ni Boy kung "Happiness o Chocolates."

Naging bisita sila ng Kapamilya singer na si Erik Santos sa FWTBA kamakailan para sa promotion ng kanilang concert sa Marso 2 na "Love Bound."

"Happiness or chocolates?" untag ni Boy kay Julie.

"Chocolates," sagot naman ni Julie.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"Best time for happiness?" urirat pa muli ng host.

"Hindi Tito Boy, chocolates," natatawang giit ng singer-actress na ikinatawa naman ni Boy.

Si Julie Anne ay girlfriend ng Kapuso actor-dancer-TV host na si Rayver Cruz.

Originally, noong nasa ABS-CBN pa si Boy at ginagawa pa niya ang "Tonight with Boy Abunda," ang tanong na ito ay "Sex or chocolates."

Pero nang lumipat siya sa GMA Network at nailagay sa panghapon ang kaniyang programa, naging "Happiness or chocolates" na ito.