Madali raw para kay Kapuso actress Beauty Gonzalez na makipag-kissing scene sa co-star niyang si Kelvin Miranda sa pelikula nilang “After All.”

Napag-usapan kasi sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Pebrero 26, ang sinabi ni Beauty sa isang panayam tungkol sa pakikipagtukaan niya kay Kelvin. 

“In an interview, you were quoted of said na madali naman ang kissing scene dahil gwapo si Kelvin,” pagpapaalala ni Boy.

“Oo naman, Tito Boy. Magpapaka-plastic pa ba ako. Mahirap talagang makipaghalikan kapag, you know, hindi gano’n [kagwapuhan]. ‘Pag gwapo, kahit nakapikit, go,” natatawang saad ni Beauty. 

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pero ang isa pa raw dahilan kung bakit madali na para kina Beauty at Kelvin ang kissing scene sa pelikulang “After All” ay dahil hindi ito ang unang beses nilang gumawa ng gano’ng eksena.

“Itong ‘After All,’ mas madali na. Because ang pinanggalingan n’yo, ‘Loving Miss Bridgette’ kahit papaano mayroon na kayong relasyon,” pahayag ni Boy.

Sumang-ayon naman si Kelvin sa bagay na ito: “Sobrang dali na, Tito Boy.”

Samantala, bukod sa ayaw sa pangit, hindi rin daw bet ni Beauty sa bad breath na ka-kissing scene. Bilang respeto raw ay dapat pinaghahandaan ng kahit sinong artista ang gano’ng klaseng eksena. 

Sa isang bahagi naman ng panayam, walang pag-aalinlangang tinugon ni Kelvin ang tanong tungkol posibilidad na ligawan si Beauty kung walang asawa ang huli.

MAKI-BALITA: May chance kaya? Kelvin Miranda, bet ligawan si Beauty Gonzalez