Tila galit na galit at napakainit daw ng ulo ni Annabelle Rama at nais niyang manakit ng isang hindi pinangalanang tao.

Aniya sa kaniyang social media post, ang tinukoy na tao ay "nagmamalinis" at akala raw kung sinong "santa maniac."

"Napaka init ng ulo ko ngayon oras na ito. Gusto kung manampal at manabunot ng tao nag mamalinis akala mo kung sinong santa maniac."

"Abangan nyo bukas ang kwento ko😡," aniya.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Hindi naman nagbigay ng kahit na anong hint o clue ang misis ni Eddie Gutierrez kung sino ang tinutukoy niya.

Sabi naman ng netizens, mukhang may aabangan na naman ang mga marites kaya ihanda ang popcorn sa mga susunod na araw.