Nagbigay ng komento si “Can’t Buy Me Love” star Albie Casiño kaugnay sa posibilidad na muling makatrabaho si “Outstanding Asian Star” Kathryn Bernardo.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Miyerkules, Pebrero 28, inusisa si Albie tungkol sa bagay na ito.

“Why would I say no?” mabilis na sagot ni Albie. “I don’t say no to work in general. So, why I would say no to work with her?”

Gayunpaman, hindi raw nakikita ni Albie na muli niyang magiging ka-love team si Kathryn sa mga pelikula o teleserye.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Especially since I’m no longer the ABS-CBN artist. So, I don’t think. I find it weird when people asking me that,” saad pa niya.

Samantala, sa huling bahagi ng panayam, pinasalamatan ni Albie ang mga tagasubaybay ng “Can’t Buy Me Love” at humirit pa na sana ay huwag bitawan ang nasabing teleserye hanggang sa huling episode nito.

Matatandaang unang nagtambal sina Albie at Kathryn sa remake ng drama series ng ABS-CBN na pinamagatang “Mara Clara” kung saan gumanap sila bilang Christian at Mara.