Walang pag-aalinlangang tinugon ni “After All” star Kelvin Miranda ang tanong ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda sa latest episode ng kaniyang programa nitong Lunes, Pebrero 26.

Tinanong kasi ni Boy sa “Fast Talk” si Kelvin kung single ba ang aktor. Nang sabihin nitong oo, sunod niyang inusisa na liligawan ba nito ang co-star na si Beauty Gonzalez kung single ang huli.

“Oo naman,” mabilis na sagot ni Kelvin.

Napatili na lang si Beauty at natawa sa naging sagot ng co-star sa nasabing tanong. 

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Beauty,” baling naman ni Boy sa aktres, “kung single ka, may chance ba si Kelvin?”

Natagalan pa bago makasagot si Beauty sa ibinatong tanong sa kaniya ni Boy. Dahil bagama’t single si Kelvin, si Beauty ay kasal na sa art curator na si Norman Crisologo.

Pero ipinaalala naman ni Boy na hypothetical lang naman ang naturang tanong. Kaya eventually umoo rin si Beauty na sinundan pa ng pagtili at pagtawa.

At kung sakali mang magkatuluyan, “Honey” raw ang itatawag ni Kelvin kay Beauty nang tanungin siya ng host tungkol sa bagay na ito. 

Anyway, mapapanood na sa mga sinehan sa darating na Pebrero 28 ang romantic drama film nilang “After All.”