Inilarawan ni “Can’t Buy Me Love” star Maris Racal ang Golden Globe awards nominee na si Dolly De Leon na nakatrabaho niya sa “Simula sa Gitna,” spin-off series ng pelikulang “Hintayan ng Langit.”

Sa isang episode kasi ng “Magandang Buhay” nitong Lunes, Pebrero 26, tinanong si Maris ni “Asia’s Songbird” Regine Velasquez kung kumusta raw bang katrabaho si Dolly.

“Noong naka-work ko po si Miss Dolly, sa isip-isip ko parang pwede palang maging sobrang-sobrang cool at grounded but at the same time sobrang talented mo rin,” kuwento ni Maris.

“Iba si Miss Dolly na katrabaho. Hindi mo mararamdaman sa kaniya what she has achieve sa buhay niya. ‘Yong parang normal lang talaga. ‘Yong parang part ‘yon ng story niya but hindi niya ‘yon buong identity,” aniya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kaya naman, mahal ni Maris si Dolly dahil bukod sa tahimik, sobrang relax din daw nitong kasama. Pero kapag nagsimula na ang trabaho, kahanga-hangang nagagampanan nito nang mahusay ang kaniyang role.

Sey tuloy ni Jolina Magdangal: “Minsan ‘yon pa ‘yong magaling, ‘yong humble, ‘no?”

“Yes,” sang-ayon naman ni Maris.

Sa kasalukuyan, mapapanood na ang “Simula sa Gitna” sa Prime Video. Bukod kina Maris at Dolly, matutunghayan din sa nasabing serye sina Khalil Ramos, Jane Oineza, Meann Espinosa, Adrian Lindayag at iba pa.

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, naitanong din kay Maris ang tungkol sa posibilidad ng pagpapamilya.

MAKI-BALITA: Matapos maging padede mom: Maris, ready nang magka-baby?