Ngayong nag-approach na sa komedyanteng si Dennis Padilla ang anak niyang si Julia Barretto sa nakalipas niyang birthday, nangangarap naman daw siyang maihatid sa altar ang anak kapag ikinasal ito.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Pebrero 27, sinabi nina Cristy Fermin at Romel Chika ang tungkol sa bagay na ito.

“Sabi nga ni Dennis, sa darating daw na panahon—hindi pa naman ngayon—kung sakali na magkakatuluyan itong si Gerald Anderson at ang kaniyang anak, gusto niya sanang ihatid sa altar si Julia kung mabibigyan siya ng pagkakataon,” kuwento ni Cristy.

“Kung hindi naman siya ang makapaghahatid, gusto lang niyang saksihan ‘yong pagpapakasal kung sakali man,” aniya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Tinanong nga siya, e. Papaano kung ‘di ka pala bigyan ng pagkakataon na magpunta doon; ‘di ka imbitahin? Magmamaskara daw siya para lang makita niya kung paano ang kasal ng kaniyang anak. Biruan lang ‘yon, pero malalim ‘yon kung tutuusin.”

Ayon naman kay Romel, mukhang magtutuloy-tuloy naman daw ang positibong ugnayan sa pagitan nina Julia at Dennis.

Pero matatandaang sa isang panayam ay inamin ni Dennis na hindi pa rin daw niya nakakausap ang jowa ng kaniyang anak hanggang ngayon.

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, di pa raw kinakausap ni Gerald nang personal pero si Joshua raw kinausap siya noon

Bukod sa pangarap na masaksihan ang kasal ni Julia, umaasa rin si Dennis na makasama ang anak niya sa isang pelikula.

MAKI-BALITA: Matapos batiin sa kaarawan: Dennis, umaasang makasama si Julia sa pelikula