Naging emosyunal ang dalawang kasambahay ni Kapamilya star Andrea Brillantes nang regaluhan niya sila ng bagong-bagong motorsiklo na matagal na nilang pinag-iipunan.
Sa latest vlog ng aktres, makikita ang surprise ni Andrea sa kanilang kasambahay na sina Sabel at Ryza.
Nilinaw naman ni Blythe na hindi "for content" ang kaniyang pagba-vlog.
"I'm not really doing this for content lang. Naisip ko lang na i-film siya kasi memories din ‘to for me and Ate Sabel and Ryza para mabalik-balikan namin ‘to para next na ibibigay ko sa kanila eh house and lot. Sana umabot ako sa ganoong point,” paliwanag ng aktres.
Deserve na deserve daw ng dalawang kasambahay ang bagong motorsiklo dahil matagal na silang naninilbihan sa kanila.
Isang blue Yamaha Aerox ang ibinigay niya kay Ryza at kay Sabel naman ay green Yamaha NMax.
Nilinaw ni Andrea na hindi niya pahuhulugan sa dalawa ang motorsiklo kundi buong-buo niyang ipinagkakaloob.