Nagulat daw ang Kapuso star na si Gabbi Garcia sa mga kumakalat na tsikang sasali siya sa Miss Universe Philippines 2024.

Nag-ugat ito sa isang TikTok video kung saan kumasa sa tila "Q&A portion" si Gabbi matapos siyang usisain ng isang netizen kung if ever, may chance na sumali siya sa nabanggit na pageant.

“Yes!! Just waiting for the right time," sagot niya.

Matatandaang sinasabi ng mga netizen na may resemblance sina Gabbi at si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee, kaya why not kung susubukin din ni Gabbi.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Maging si MMD nga raw ay napa-text pa sa kaniya para lang kumpirmahin ang kumakalat na tsika.

Ngunit sa ulat ng GMA News, sa panayam ni Nelson Canlas ng "24 Oras," pinabulaanan ni Gabbi na lalahok siya sa nabanggit na prestigious beauty pageant, bagama't kinikilig siyang maikonsidera ng mga netizen para dito.