Ibinahagi ni “After All” star Beauty Gonzalez ang pananaw ng asawa niyang si Norman Crisologo tungkol sa ginagampanan niyang roles sa mga palabas gaya ng pelikula at teleserye.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Pebrero 27, inusisa ni Boy si Beauty tungkol sa bagay na ito.

"He’s really supportive. I mean, everybody knows that. I wouldn’t be who I am today. Wouldn’t be this confident and ambitious…He really helped me a lot,” lahad ni Beauty.

“But I must say I did also my job. And I’m very lucky with him. And yes, he reads all my script. He watches all my shows. Even now the ‘Stolen Life,’ everyday pinapanood niya. ‘Yong ‘Walang Matigas na Pulis,’ every Sunday pinapanood din niya. Lahat ng script ko binabasa niya bago ko tinatanggap,” aniya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dagdag pa ng aktres: “I love it na he’s also into art. May mga ideas and points siya na naibibigay na: ‘Uy, Babes, sabihin mo sa direktor mo baka pwedeng gawin mo ganito. I know a place like this. Maybe you watch this film—’”

“‘Yong mga intimate scenes?” putol ni Boy.

Sagot ni Beauty: “Sabi lang niya sa akin: ‘O, did you enjoy?’ Yeah. At first, I was like: ‘Why would you ask me those questions?’ Sabi niya: ‘Babes, by the end of the day, you’re an actress. You have to be honest and sincere about your acting.’”

Sinang-ayunan naman ng co-star niyang si Kelvin Miranda ang pagiging supportive ng kaniyang asawa. In fact, ayon mismo sa aktor, nagko-coach daw talaga si Norman kay Beauty off cam.

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, nausisa naman ni Boy si Kelvin na kung single ba si Beauty, liligawan ba nito ang co-star?

MAKI-BALITA: May chance kaya? Kelvin Miranda, bet ligawan si Beauty Gonzalez