Naloka si showbiz columnist Cristy Fermin sa mga ginawa umano ng TV host na si Willie Revillame sa prayer rally na ginanap sa Cebu kamakailan.

Sa latest episode kasi ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Pebrero 26, sinabi ni Cristy na may mga nakapuna raw na tila ginawang noontime show ni Willie ang nasabing prayer rally.

“Ang dami-daming tume-text sa akin at tumatawag. ‘Ano ba naman ‘yan. Si Willie Revillame…ginawang noontime show ‘yong dapat ay prayer rally at uminit na naman ang ulo,’” saad ni Cristy.

“Napanood mo ba ‘yong ginawa niya?” tanong niya sa co-host na si Romel Chika. “Nakakaloka! Sa prayer rally, napanood mo?”

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

“Opo, Nay,” sagot naman ni Romel. “para lang talaga tayong nasa studio. Tinuturuan niya lahat pati mga ilaw. Lahat-lahat. ‘Doon kayo, doon. Dapat walisin ‘to. ‘Yong ilaw sabi ko patayin, ‘di ba? ‘Di kayo nakikinig.’”

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Tapos may sinabihan siyang babae: ‘Umalis ka dyan namali ako ng ano sa ‘yo. May bracelet ka pa.’ Alam mo, Romel, nakakahiya kasi prayer rally ‘yon. Dapat hindi niya ginawang [salawsaw] ‘yong show. Nakakaloka. Akalain mo ipahiya ‘yong lightsmen.”

Kaya ayon kay Cristy, kung tatakbong senador si Willie at ganoon ang ipapakita nitong asta sa publiko, baka kung saan ito pulutin. 

Matatandaan kasing sa ginanap na prayer rally sa Davao noong huling bahagi ng Enero ay nagpahayag si Willie ng interes sa pagtakbo sa nasabing posisyon sa gobyerno.

MAKI-BALITA: Willie Revillame handa nang tumakbo para senador sa 2025