Usap-usapan ngayon ang social media post ng isang seafood restaurant sa La Union matapos i-call out ang social media influencer na si "FynestChina" dahil raw sa pagdadala nito ng 20 katao sa kanila upang makakain nang libre.
Ayon sa opisyal na pahayag ng resto, sumang-ayon sila sa collaboration kay Fynest China para maitampok din ang kanilang restaurant, subalit na-caught off guard daw sila nang magsama pa ito ng 20 katao, na inakala nilang mag-isa lang ito upang i-review ang kanilang food.
Ang reklamo ng resto, dahil small business pa lamang sila ay hindi raw nila afford na ma-accommodate ang ganoong kalaking bilang ng tao na kakain sa kanilang mga food nang libre. Isa pa sa mga sinita nila ay ang "unauthorized use of photos and videos" daw ng vlogger na kinunan sa loob ng restaurant.
Samantala, nag-react naman dito ang influencer.
"please watch your accusations about me.. kumuha muna po kayo ng resibo bago ako husgahan," aniya sa kaniyang FB post noong Biyernes, Pebrero 24.