Inamin ng Kapamilya actress na si Janella Salvador na nagtampo siya sa Star Magic, ang talent arm management ng ABS-CBN, nang magbigay siya ng mensahe ng pasasalamat matapos ang pagpirma niya ng kontrata bilang Kapamilya.

Pinasalamatan ni Janella ang ABS-CBN executives kabilang na ang head director at Star Magic head na si Direk Lauren Dyogi.

Ayon kay Janella, hindi naging madali ang relasyon nila ng ABS-CBN lalo na noong pandemya at nabuntis pa siya, subalit pinipili niyang manatili at pinipili rin siyang manatili ng home network. Nagpapasalamat si Janella dahil sa kabila raw ng "career suicide" daw kung ituring ang kaniyang pagbubuntis ay nanindigan at tumayo para sa kaniya.

Binanggit na rin ni Janella ang tampuhan nila ng Star Magic at ni Direk Lauren. Nagkausap daw sila nang magtungo sila sa Italy para sa "ASAP Milan." Nag-ugat ito sa hindi niya pagkakasama sa Star Magic Catalogue na ni-launch noong Hulyo 2023.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

MAKI-BALITA: Janella binasag na ang katahimikan: ‘Valid naman siguro ang tampo ko!’

"Direk Lauren and I actually sat down and talked about it, I really had a nice conversation with him there... well I got nervous to open up to him at first," pag-amin ni Janella.

Pero sinabi raw sa kaniya ni Direk Lauren na para siyang tatay na puwede nilang kausapin kung may problema sila.

Nanatili si Janella sa poder ng Kapamilya Network dahil hindi lang daw sila nito hinuhulma bilang celebrities kundi maging tunay na artists at performers.