Tila excited daw ang lahat sa kung sino ang maswerteng babae na magiging jowa ni Asia’s Multimedia Star Alden Richard in the near future ayon kay showbiz columnist Lolit Solis.

Sa Instagram post ni Lolit nitong Lunes, Pebrero 26, sinabi niyang marami raw candidate na inili-link kay Alden.

“Pero talagang hindi pa rin niya matagpuan ang kanyang lucky one. Si Alden ang tipo na hindi magmamadali o basta papasok sa isang relasyon,” pahayag ni Lolit.

“Tiyak na bago siya pumili pag-aaralan niyang mabuti at titiyakin na iyon na ang one and only at magiging forever niya,” aniya.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Dagdag pa ng showbiz columnist: “We trust that Alden Richards will have a happy and very lasting relationship dahil isa siyang mabait na tao worthy of a loving partner. Bongga.”

Matatandaang sa isang panayam noong Nobyembre 2023, ibinahagi ni Alden ang kaniyang plano pagdating sa pagpapamilya.

Binanggit din ng aktor sa nasabing panayam kung ano bang katangian ang hinahanap niya sa isang babae nang tanungin siya tungkol dito.

MAKI-BALITA: Alden Richards sa pagpapamilya: ‘I’m not a fan of deadlines’