Nagbigay ng reaksiyon ang vlogger/social media personality na si "Fynest China" matapos itong i-call out ng isang seafood restaurant sa La Union dahil sa pagdadala niya ng mga kasama sa kanilang resto para makakain nang libre.
Ayon sa opisyal na pahayag ng resto, sumang-ayon sila sa collaboration kay Fynest China para maitampok din ang kanilang restaurant, subalit na-caught off guard daw sila nang magsama pa ito ng 20 katao, na inakala nilang mag-isa lang ito upang i-review ang kanilang food.
Ang reklamo ng resto, dahil small business pa lamang sila ay hindi raw nila afford na ma-accommodate ang ganoong kalaking bilang ng tao na kakain sa kanilang mga food nang libre. Isa pa sa mga sinita nila ay ang "unauthorized use of photos and videos" daw ng vlogger na kinunan sa loob ng restaurant.
"We value and appreciate all our patrons, including vloggers who reach out to us for potential collaborations. However, in the case of a recent vlogger requesting an 'x' deal in exchange for free food, we were caught off-guard when they arrived with a large group of 20 people...we were not prepared to accommodate such a significant number of guests for free... bahagi ng mahabang opisyal na pahayag ng resto.
MAKI-BALITA: Resto banas sa influencer; nagsama ng iba pang katao para makikain nang libre?
Samantala, nag-react naman dito ang influencer.
"please watch your accusations about me.. kumuha muna po kayo ng resibo bago ako husgahan," aniya sa kaniyang FB post noong Biyernes, Pebrero 24.
Kung bibisitahin naman ang page ni FynestChina, hindi na makikita ito na tila binura na niya.