Binigyan na ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktima ng pagguho ng isang simbahan sa Bulacan kamakailan.

Sa Facebook post ng DSWD-Field Office 3-Central Luzon, kabilang sa ipinamahagi ng ahensya ang cash at burial assistance sa mga pamilya ng mga biktima ng pagguho ng mezzanine area ng St. Peter Parish Church sa San Jose del Monte City.

Nangako ang DSWD na tuluy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng gobyerno hangga't hindi pa nakakabangon sa epekto ng insidente ang pamilya ng mga biktima.

Matatandaang isa ang naiulat na nasawi at 63 ang nasugatan sa naturang insidente nitong Pebrero 14 ng umaga.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol