Aliw-much sa mga netizen ang Facebook post kung saan napitikan ng uploader na si "Mitch Orencia" ang isang paskil na nakasabit sa loob ng kaniyang nasakyang pampasaherong jeep.

"Strict si mamang driver," caption ni Mitch sa kaniyang post.

Mababasa kasi sa paskil na bawal ang mga "marites" sa loob ng jeep, o bawal ang mga tsismosa o tsismisan sa loob dahil makakaistorbo sa pagmamaneho ng tsuper.

"BAWAL PO DITO ANG MARITES NAKAKA ISTORBO," mababasa rito.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Photo courtesy: Screenshot from Mitch Orencia (FB)

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Mitch na isang propesor sa isang state university, sinabi niyang naaliw at natuwa siya nang makita ang paskil kaya pinicturan niya ito.

"Nakita ko lang yan sa jeep. Natuwa ako," aniya.

Karamihan kasi sa mga paskil na makikita sa loob ng mga pampasaherong jeep ay "Barya lang po sa umaga," "God knows HUDAS not pay," at iba pang tinatawag na "tugmang de gulong."

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!