Nainis daw ang komedyanteng si Ai Ai Delas Alas at ang asawa nitong si Gerald Sibayan nang itampok ang dalawa sa isang blind item.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Pebrero 26, pinag-usapan nina showbiz columnist Cristy Fermin at Romel Chika ang tungkol sa bagay na ito. 

“Inis na inis ang Comedy Concert Queen at si Gerald Sibayan. Akalain mong binlind item pa sila e kitang-kita naman na sila talaga ang tinutukoy. Binlind item sila na hiwalay na raw. E, pagkaganda-ganda po ng relasyon ng mag-asawang ito. Maging dito o sa Amerika,” saad ni Cristy.

“Hay, naku! Hindi talaga pinalampas ng Comedy Concert Queen ‘yan. Talagang doon sa live no’n, nag-comment talaga siya. ‘Kung ano-ano na lang ang mga balita. Bakit kayo gumagawa ng walang katotohanan? Fake news ‘yan!’ Talagang sinabi niya ‘yan,” sabi naman ni Romel.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Tanong tuloy ni Cristy: “Alam mo, totoo ‘yan. Bakit kailangang paghiwalayan ang dalawang tao na napakaganda po ng relasyon?”

“Kung uso po ngayon ang hiwalayan, huwag po kayong mag-alala. Hindi po sila susunod sa uso,” dugtong pa ng showbiz columnist.

Matatandaang ikinasal sina Ai Ai at Gerald noong 2017 at sa darating na Abril ay ipagdiriwang nila ang kanilang 10th anniversary as couple. 

MAKI-BALITA: Mga celebrity na malaki ang age gap sa kanilang jowa, asawa