
₱159.4M Ultra Lotto jackpot, madadagdagan pa!
Hindi napanalunan ang mahigit sa ₱159.4 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Linggo ng gabi.
Ito ang ipinahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at sinabing hindi nahulaan ang 6 digits winning combination na 06-33-48-56-27-35.
Dahil dito, inaasahan na ng PCSO na lolobo pa ang premyo sa naturang lotto game sa susunod na draw nito.
Matatandaang napanalunan ng isang taga-Albay ang mahigit sa ₱571 milyon sa isinagawang draw ng Ultra Lotto nitong Enero 2.
Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo.