Inalis na ng Negros Oriental Provincial Government ang ipinaiiral na temporary ban laban sa ipinapasok na kakataying baboy sa kabila ng naitatalang kaso ng African swine fever sa lalawigan.

Inilabas ni Governor Manuel Sagarbarria ang Executive Order No. 10 nitong Miyerkules sa layuning maisalba ang naghihingalong lokal na industriya ng pagbababoy mula sa epekto ng ASF.

Malaking tulong aniya ang pagbabalik normal na operasyon ng lokal na industriya ng pagbababoy sa lalawigan matapos ang konsultasyon sa mga apektado ng usapin.

Dahil dito, makakapasok na sa lalawigan ang mga kakataying baboy at produkto nito mula sa iba't ibang probinsya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang naitala ang unang kaso ng ASF sa Dauin noong Mayo 2023.