Usap-usapan ang pag-flex ni Kapamilya star Andrea Brillantes sa pagpapa-picture niya kay Rivermaya vocalist Rico Blanco, na aniya ay matagal na niyang hinahangaan bilang singer.

Makikita sa larawan na kahit blurred ang pagkakakuha rito, happy pa rin si Blythe dahil nga may picture sila together ni Rico.

"Fan girl moment! Kahit blurred it's okay huhu OMG," nakalagay sa text caption ni Andrea.

Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nakakaloka naman ang reaksiyon ng mga netizen dahil sila raw ang "kinakabahan" para sa jowa ni Rico na si Maris Racal, na sikat na sikat ngayon dahil sa pagganap bilang "Irene Tiu" sa seryeng "Can't Buy Me Love" na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o DonBelle.

Kabahan na raw si Maris at baka si Rico na raw, sey ng mga netizen, ang susunod na "mahuhulog" sa kamandag ng alindog ni Andrea.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Bigla akong kinabahan para kay Maris!"

"Maris kabahan ka na!"

"Target unlocked!"

"Nakakaloka hahahaha kung ako kay Maris, kakabahan na 'ko."

"nakupo maris, ingatan mo na ang bebe mo"

"You'll be safe here hahaha."

Samantala, wala pang reaksiyon, komento o pahayag si Maris, Andrea, o Rico patungkol dito.