Kilig-much ang mga netizen at fans ng tambalang #KimPau dahil sa sagot ni Paulo Avelino kay Kim Chiu nang sumalang sila sa pop quiz ng isang lifestyle magazine, kasama ang co-star sa "Linlang" na si JM De Guzman.

Layunin ng pop quiz ay kung gaano na ba ang nalalaman nila sa isa't isa.

Isa sa mga kinagiliwang tanong ay kung gaano karaming tattoo si Paulo sa katawan.

Sagot ni Paulo, hindi rin niya alam pero isinulat niya sa bond paper ay 10. Si Kim naman ay 4 habang si JM ay 6.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

At mukhang game naman ang aktor na ipakita kay Kimmy lahat.

"Gusto mo makita lahat?" aniya.

Sey na lang ni Kim, kapag pinagsama ang sagot nila ni JM ay makabubuo sila ng 10.

Anyway, dahil sa success ng Linlang, ngayon pa lang ay inaabangan na sina Kim at Paulo sa Philippine adaptation ng "What's Wrong With Secretary Kim" na mapapanood sa ABS-CBN.

Dahil sa chemistry daw ng dalawa ay shini-ship na rin sila sa tunay na buhay lalo na't kahihiwalay lang ni Kim sa kaniyang ex-boyfriend na si Kapuso actor Xian Lim.

MAKI-BALITA: Kim Chiu handa na raw umibig ulit: ‘In the next months!’

Kasalukuyan namang umeere sa Primetime Bida ang Linlang: The Teleserye Version, matapos ang tagumpay nito sa Prime Video.