Usap-usapan ng mga netizen ang latest Instagram post ni “Linlang” star JM De Guzman noong Huwebes, Pebrero 22.

Sa naturang post kasi ni JM, makikitang kasama niya sa isang wedding ceremony ang social media personality na si Donnalyn Bartolome batay sa ibinahagi niyang larawan.

https://www.instagram.com/p/C3oNvXZh8jq/

“how i wish i see you walk down the aisle.😍 @donna .:)” saad ni JM sa caption.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Pabirong hirit naman ni Donnalyn: “tapos nadapa ako ‘no? Wahahaha.”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“kayo na ba???? please nmn kayo nlng plssssss 😍”

“Pls say yes @donna ❤❤❤😂”

“Sana nga totoong kayo na😍😂”

“❤️❤️❤️❤️❤️❤️kayu na plsss”

“Kaya panay ang work ni papa em ❤nagiipon”

“You guys are not getting any younger, start a family na, mag baby na agad. 😊”

“Mag po propose na yan😂👏🙌❤”

“Wow! So happy for you JM you found the one 😍”“29 and 35 years old, pwedeng pwede na yan. It's hard to conceive when older 😉😊”

Matatandaang noong Nobyembre 2023 lang ay kinakiligan sina JM at Donnalyn dahil sa pagde-date nila sa yate. Inamin din ng aktor na isang taon na raw niyang nililigawan ang huli.

MAKI-BALITA: Not so friendly date: JM, Donnalyn naghawakan ng kamay sa karagatan

MAKI-BALITA: Haba ng hair: Donnalyn isang taon nang nililigawan ni JM