Nagsalita ang pamunuan ng isang sikat na fruit juice company matapos mag-viral ang Facebook post ng isang netizen sa umano'y tubig lang na laman ng mga paketeng nabili niya, sa isang hypermarket ng mall sa Clark, Pampanga.

Ayon sa isang netizen na nagngangalang "Czarlnn Sanchez Jeong" mula sa Pampanga, kung saan mapapanood ang video nang paisa-isang pagbuhos niya sa laman ng mga nabiling fruit juice drink na aniya ay walang flavor at plain water ang laman.

Aniya sa kaniyang post, "Ano to..? Na fake kame dun ah. 😆 kaya pala d ininum ni byeol. 😅 #zesto nyari.? Wala kayang uud to hehe. Or d kaya water ng Angeles to.? Hays."

Naloka naman ang mga netizen na nakapanood nito.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa uploader, sinabi niyang nabili nila ang fruit juice drink sa loob mismo ng SM Hypermarket sa SM Clark, Pampanga.

Nagulat daw siya nang matikmang iba ang lasa ng fruit juice nang magbukas siya ng isa at inumin.

Aminado naman si Czarlnn na hindi na nila natikman ang lahat ng fruit juice drink na binili nila. Hindi na rin nila naisauli sa hypermarket ang mga nabili dahil hindi nila naitago ang resibo.

"Di na namin tinikman lahat ng laman. Basta una ako ang nakatikim kasi gusto ng 2nd son ko ng juice, tapos nagbukas kami ulit pinatikim ko kay yaya so iba nga ang lasa rin kaya sabi ko kunin niya lahat at buksan niya," aniya.

Samantala, eksklusibong nakipag-ugnayan ang Balita sa kompanya ng naturang fruit juice company, at tumugon naman sila kaugnay nito, sa pamamagitan ng ipinadalang mensahe sa Messenger.

Anila, "Thanks for reaching out. Based on the company’s protocols, we need to get in touch with the complainant to investigate what happened to the product. Given this, we haven’t received any formal complaints from the customer, thus we need to get in touch with them before they post any malicious contents (without formal complaints and investigation) against the company/the product. Rest assured that we’re reaching out to this complainant."

MAKI-BALITA: ‘Walang flavor?’ Netizen, inireklamo ang nabiling fruit juice drink

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang updates kung paano na-settle ang isyu sa pagitan ng kompanya at ng complainant; pero kung babalikan ang viral post ay burado na ito.