Dismissed cop, inaresto dahil sa pagpapanggap na pulis sa Misamis Oriental
Pansamantalang nakakulong ang isang sinibak na pulis matapos maaresto dahil sa pagpapakilala bilang alagad ng batas sa Balingasag, Misamis Oriental kamakailan.
Sinabi ni Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) chief Brig. Gen. Warren de Leon, nahuli si dating Patrolwoman Sheryl Lou Rances Licayan, matapos isilbi sa kanya ang warrant of arrest sa kasong Usurpation of Authority at paglabag sa Article 316 ng Revised Penal Code (Swindling).
Gayunman, inirekomenda ni Municipal Trial Court Branch 2 Presiding Judge Clyde Ganib Rondique ang piyansang ₱36,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
"The PNP-IMEG will not hesitate to catch the police for wrongdoing and destroying our ranks. It is important to remind everyone to be faithful to their duties," banggit pa ni de Leon.