Ibinahagi ni “Can’t Buy Me Love” Maris Racal ang love story nila ng jowa niyang si Rico Blanco, na isang singer-songwriter, sa latest vlog ni Dra. Vicki Belo kamakailan.

Sa isang bahagi ng vlog, nabanggit ni Maris ang malaking age gap nila ni Rico nang ikuwento niya ang kanilang unang music collaboration na pinamagatang "Abot-Langit."

21 siya no'n habang 45 naman si Rico kaya lumalabas na 24 years ang gap umano nila. Isinilang kasi si Rico noong Marso 17, 1973 at si Maris naman ay noong Setyembre 22, 1997.

Naka-relate naman si Vicki sa bagay na ito dahil 25 years ang tanda niya sa asawa nitong si Hayden Kho. Ipinanganak ang una noong Enero 25, 1956 samantalang ang huli naman ay noong Mayo 20, 1980

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Kaya sa pagkakataong ito, alamin kung sino-sino pang mga celebrity ang may malaki ring age gap sa kanilang mga jowa at asawa bukod kina Maris at Vicki.

  1. Cristine Reyes at Marco Gumabao (6 na taon)

6 na taon ang agwat ni Cristine sa jowa niyang si Marco. Ipinanganak siya noong Pebrero 5, 1989 samantalang si Marco naman ay Agosto 14, 1994.

Marso noong nakaraan taon, umamin si Marco tungkol sa real score nilang dalawa ni Cristine matapos nilang maispatang magkasama sa Siargao.

MAKI-BALITA: Marco Gumabao, may inamin tungkol sa kanila ni Cristine Reyes

At sa interview nilang dalawa sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, kinumpirma ni Cristine na annulled na siya sa dating asawang si Ali Khatibi. Ayon naman kay Marco, napag-uusapan na raw nila ang kasal.

MAKI-BALITA: Cristine Reyes, annulled na; handa nang makasal kay Marco Gumabao?

  1. Enzo Pineda at Michelle Vito (7 taon)

7 taon ang agwat ng edad ni Enzo sa jowa niyang si Michelle. Ipinanganak siya noong Agosto 12, 1990 samantalang si Michelle naman ay noong Oktubre 4, 1997.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post noong Agosto 2020, inamin ni Enzo ang relasyon niya kay Michelle. 

Hindi naman napigilan ng mga netizen na mapa-sana all sa sweet photos na ibinahagi nila noong 2021.

MAKI-BALITA: Sana all! Enzo Pineda, ‘baby damulag’ ng gf na si Michelle Vito

  1. Gerald Anderson at Julia Barretto (8 taon)

8 taon ang agwat ng edad nina Julia kay Gerald. Ipinanganak siya noong March 10, 1997 samantalang si Gerald naman ay Marso 7, 1989. 

Sa isang panayam noong Marso 2021, kinumpirma ni Gerald ang relasyon nila ni Julia. Pero ilang buwan pa lang ang nakakaraan matapos ipalabas ang pelikula nilang “Between Maybes” noong 2019, umugong na ang bali-balitang nagkakamabutihan umano ang dalawa.

Samantala, sa isang panayam ay ibinida ni Gerald si Julia at sinabing napakagaang karelasyon.

MAKI-BALITA: Julia, magaang karelasyon, bida ni Gerald: ‘Sobrang secure siya sa pagkatao niya!’

  1. Catriona Gray at Sam Milby (10 taon)

10 taon ang agwat ng edad nina Catriona at Sam. Ipinanganak siya noong Enero 6, 1994 samantalang si Sam naman ay noong May 23, 1984.

Noong Mayo 2020, sa mismong ika-36 na kaarawan ni Sam, kinumpirma niya ang relasyon nila ni Catriona sa pamamagitan ng isang social media post.

Samantala, last year naman, sa isang vlog ni Vicki ay ibinunyag ni Catriona kung kailan sila ikakasal ni Sam.

MAKI-BALITA: Catriona Gray, ibinunyag kung kailan sila ikakasal ni Sam Milby

5. Zanjoe Marudo at Ria Atayde (10 taon)

Bago pa man kumpirmahin ni Zanjoe, nauna nang ibuking ni Sylvia Sanchez, ina ni Ria, ang relasyon ng anak sa aktor.

MAKI-BALITA: Zanjoe Marudo at Ria Atayde, nasa dating stage na, buking ni Sylvia Sanchez

Isinilang si Zanjoe noong July 23, 1982 samantalang si Ria naman ay noong Marso 23, 1992. Kaya lumalabas na 10 taon ang age gap ng dalawa sa isa't isa.

Gayunpaman, sa kabila ng malaking agwat ng edad, naging mabuti ang kalagayan ng kanilang relasyon. In fact, nitong inanunsiyo ni Ria na egaged na sila ni Zanjoe sa pamamagitan ng isang social media post. 

MAKI-BALITA: Zanjoe Marudo, Ria Atayde engaged na! 

6. Luis Manzano at Jessy Mendiola (11 taon)

11 taon ang agwat ng edad ni Luis sa asawa niyang si Jessy. Ipinanganak ang aktres noong Disyembre 3, 1992 samantalang si Luis ay Abril 21, 1981.

Bago pa man sila ikasal sa huwes noong Pebrero 2021, nagsimula nang umugong ang tungkol sa kanilang relasyon noon pang 2016. At sa isang panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong 2017, tuluyang inamin ni Jessy ang real score nila ni Luis.

7. Julia Montes at Coco Martin (13 taon)

Sa eksklusibong panayam ng TV Patrol noong Mayo 2023, ipinahayag ni Coco ang pakiramdam sa ilang taon nilang pagsasama ni Julia simula noong una silang magkasama sa isang serye ng ABS-CBN.

MAKI-BALITA: ’12 years na kami!’ Coco at Julia, umamin na rin sa relasyon

“Napakasarap ng pakiramdam namin dahil 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin tulad ng dati,” lahad ni Coco.

13 taon ang agwat ng edad ni Coco kay Julia. Isinilang siya noong Nobyembre 1, 1981 samantalang ang huli naman ay noong Marso 19, 1995.

Bagama’t tila “what you see is what you get” ang peg ng relasyon nilang dalawa, hindi pa rin mamatay-matay ang tsikang may anak na umano sila.

MAKI-BALITA: Lantaran na kasi: Mga anak nina Coco at Julia, pinangalanan ni Cristy 

8. Chiz Escudero at Heart Evangelista (16 na taon)

Ipinagdiwang nina Heart at Sen. Chiz ang kanilang 9th wedding anniversary kamakailan. 

Sa isang panayam kay Heart, inamin niyang matagal na raw niyang may crush kay Chiz bago pa man sila magkakilala. 

“Crush lang naman. Na-mention ko ‘yon kay Tita Miriam [Defensor-Santiago]. Noong nag-break kami ng ex-boyfriend ko na si Daniel Matsunaga, she gave me a list of people whom she wanted me to date and get to know,” lahad ni Heart.

At noong Oktubre 2012, kinumpirma ni Chiz sa morning talk show na KrisTV ang relasyon niya kay Heart.

16 na taon ang pagitan ng edad nina Heart at Chiz. Isinilang siya noong Pebrero 14, 1985 samantalang si Chiz naman ay Oktubre 10, 1969.

9. Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan (30 taon)

Pagkatapos nilang magkabutihan sa loob ng tatlong taon, ikinasal sina Ai-Ai at Gerald noong 2017. 

Sa kasalukuyan, noong Abril 2023, ipinagdiwang nila ang kanilang 9th anniversary as couple.

Si Gerald ay dating star player ng badminton sa De La Salle University kung saan si Ai-Ai ang nagsilbing manager ng kanilang koponan. 

Isinilang si Ai-Ai noong Nobyembre 11, 1964 samantalang si Gerald naman ay noong Nobyembre 30, 1994. Ibig sabihin, 30 taon ang agwat ng edad ng una sa huli.

10. Pauleen Luna at Vic Sotto (34 na taon)

Hindi syempre magpapatalo si Vic sa palakihan ng agwat ng edad sa asawa. 34 na taon kasi ang pagitan ng edad niya sa asawang si Pauleen. Isinilang si Vic noong Abril 28, 1954 samantalang si Pauleen naman ay Nobyembre 10, 1988. 

Disyembre 2013 nang aminin ni Vic sa isang panayam kay Boy Abunda ang tungkol sa relasyon nila ni Pauleen. Makalipas ang tatlong taon, nagpakasal sila at nabigyan ng isang supling noong Nobyembre 6, 2017. 

Samantala, ang baby number 2 na inanunsyo nila noong Hulyo 2023 ay ganap nang naisilang noong Enero 2023 na binigyan nila ng palayaw na “Mochi.”

MAKI-BALITA: Vic Sotto, Pauleen Luna may paparating na baby number 2!