Umani ng batikos ang post ni Darla Sauler na kasama si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga.

Ipinost kasi ni Darla sa Instagram niya ang picture nila ni Toni. Ininterview niya kasi ang aktres para sa kaniyang vlog at para na rin sa promotion ng movie nito na "My Sassy Girl."

MAKI-BALITA: My Sassy Girl: Toni Gonzaga, balik-romcom movie na

"Toni Talks from the ♥️ link in BIO," sey niya sa caption.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pero hindi natuwa ang ilan sa mga netizen. Makikita sa comment section ng post niya, ang iba't ibang komento ng mga ito.

"never ever again!!!"

"Never forget the unbothered rawr."

"naku huwag ng ibalik yan. boycott pag binalik yan"

"Ewwww to the highest level talaga itong mga galawan ni Darla."

"Naku baka ito pa c darla maging daan para makabalik c toni sa abs-cbn, nilayasan/tinalikuran na kayo and yet mukhang kayo pa ang magjng daan 🙄👎👎"

"bakit bakit bakit???????"

"Inunfollow nga kayo niyang babaeng yan. Jusko. Tapos lalapit lapit kayo sa kanya darla. MAGISING NAMAN KAYOOOOOOOO JUSKO"

"Jusko la traydora!!!! 🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮🤮"

"Nakaka sad @darla 😢😢😢😢 maraming nadis appointment"

"?????????? Bakit naman!!!!!!!! Nakaka sukaaaaaaaaaaaaaaaa.... Anyare sa inyo darla??? Trinaydor na nga kayo ng powerful celeb. Daw Kuno ehh...... Jusko lord"

"Lintek ka Darla pag ito bumalik..."

"Kadiri naman! Hahaha 🤮🤮🤮"

"Most powerFOOL celebrity...💰💰💰"

"Why Darla? Dali makalimot oh"

View this post on Instagram

A post shared by Darla Sauler (@darla)

Matatandaang nag-resign sa Pinoy Big Brother (PBB) ng ABS-CBN si Toni sa kasagsagan ng proclamation rally ng UniTeam noon, matapos umani ng katakot-takot na batikos mula sa mga netizen, dahil sa pagho-host niya nito.

MAKI-BALITA: Mariel kay Toni: ‘Welcome to the outside world!’

Sa kabila nito, napaulat pa na tanggap pa naman daw si Toni sa ABS-CBN at puwede pa itong makabalik kung nanaisin nito.

MAKI-BALITA: Toni G, tanggap pa rin sa ABS-CBN; puwedeng bumalik kahit kailan

Samantala, umuugong ang mga bali-balitang babalik si Toni bilang main host ng reality show na “Pinoy Big Brother” sa muling pagbubukas umano ng Bahay ni Kuya sa panibagong season.

Nagsalita rin si Toni tungkol sa bali-balitang ito.

MAKI-BALITA: Toni Gonzaga sinagot kung babalik pa sa PBB