Jackpot sa lotto, tataas pa! ₱72.1M, 'di tinamaan -- PCSO
Inaasahan na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tataas pa ang mapapanalunan sa 6/55 Grand Lotto draw sa Sabado, Pebrero 24.
Ito ay nang mabigong mapanalunan ang mahigit ₱72.1 milyong jackpot sa isinagawang draw nitong Miyerkules ng gabi.
Matatandaang isang mananaya ang nanalo ng mahigit ₱698.8 milyong sa draw ng Grand Lotto nitong Enero 17, 2024
Sa pahayag ng PCSO, nahulaan ng naturang mananaya ang 6-digit na winning combination na 24-50-52-09-51-03.
Binobola ang Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.