Arestado ang isang Amerikano matapos magbiro na bobombahin ang sinasakyang eroplano sa Misamis Oriental nitong Martes ng gabi.

Hindi na binanggit ang pagkakakilanlan ng naturang banyaga na nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP)-Aviation Security Unit (ASU).

Kagagaling lamang ng eroplano sa Mactan-Cebu Airport, sakay ang 73 pasahero at habang nasa disembarkation process sa Laguindingan Airport, dakong 9:42 ng gabi ay bigla na lamang tumayo ang Amerikano sabay sabi na,“I can shoot you all, and I can trigger the bomb.”

Kaagad na itinawag sa control tower ang insidente kaya't inaresto ng mga awtoridad ang banyaga.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matapos ang ilang minutong inspeksyon ng mga tauhan ng ASU at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), walang nakitang bomba sa mga bagahe ng mga pasahero.

Nahaharap na sa paglabag sa Presidential Decree No. 1727 ang banyaga, ayon pa sa PNP-ASU.