Kilala si Bianca Umali bilang isa sa mga sikat at mahusay na artista sa kaniyang henerasyon. Pero kung may isang bagay na hindi alam ang mga tao sa kaniya, ito raw ay ang ambisyong maging isang ina.

Sa kaniyang panayam sa Luis Listens, itanong sa kaniya ni Luis Manzano kung ano ang hindi alam ng tao tungkol sa kaniya.

"Sa kung nasaan ako sa buhay ko ngayon that would be 'yong ambisyon ko na maging nanay," ani Bianca.

"It comes from my lola of course who raised me when I lost my parents. Now that I am getting older, nakikita ko 'yong bits and pieces of her in me, and that just makes me happy. And I know that purpose ko sa buhay na 'to 'yong mag-alaga ng tao, maging nanay. Kahit na hindi ko pa anak--

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

"Ayaw mong mag-nurse muna? Parang tinuloy mo kaagad 'yong pagiging isang nanay," sundot na biro ni Luis--na ikinatawa nilang dalawa ng aktres.

"Ambisyon kong maging mommy and I’m excited to be one legitimately. But ngayon pa lang 'yong alagaan ko si Ruru [Madrid], alagaan ko ‘yong lola ko, alagaan ko ‘yong mga taong katrabaho ko, it makes me genuinely happy kaya feeling ko ayun ‘yong purpose ko in life eh.," paliwanag ni Bianca.

Naniniwala naman si Luis na magiging isang mabuting ina si Bianca sa future.

Matatandaang nagkasama sila sa "It's Your Lucky Day" noon.