Patuloy na nagiging sentro ng mga mali at pekeng balita ang aktor na si Dominic Roque matapos nilang kumpirmahin ng ex-jowa niyang si Bea Alonzo ang kanilang hiwalayan.

Sa latest Facebook post kasi ni Dominic nitong Miyerkules, Pebrero 21, pinabulaanan niya ang isang art card na nagsasabing may paalala raw siya sa mga lalaki na huwag hahanap ng babaeng nakadepende sa yaman.

https://www.facebook.com/photo?fbid=953025680157807&set=a.170929225034127

“Philippines No.1 Page FAKE NEWS!!!❌❌❌ FAKE NEWS!!!❌❌❌ FAKE NEWS!!!❌❌❌” saad ni Dominic sa caption ng naturang post.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Mukhang hindi na talaga pinalalampas ng aktor ang mga umano’y kabalbalang ginagawa ng ilang tao para sirain ang kaniyang pangalan at ang mga nasasangkot na tao.

In fact, nito lang Miyerkules, Pebrero 20, binuweltahan niya rin ang mga malisyosong pahayag na binabanggit ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa mga vlog nito.

MAKI-BALITA: Dominic Roque, pumalag na sa mga iniisyu sa kaniya ni Cristy Fermin

Matatandaang sa ilang episode ng “Showbiz Now Na” ay iniulat ni Cristy ang tungkol sa nasagap niyang impormasyon na pinaiimbestigahan umano ng kampo ni Bea si Dominic dahil sa kabuhayan nito.

MAKI-BALITA: May gay benefactor ba? Misteryo sa condo unit, kabuhayan ni Dominic inilantad

MAKI-BALITA: Natuklasan ni Bea: Dominic, nakatira sa condo na nakapangalan sa politiko?