Muntik na raw tanggihan ni Kapuso actress Shaira Diaz ang marriage proposal ng fiancé niyang si EA Guzman.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Pebrero 19, inamin ni Shaira at EA ang tungkol sa bagay na ito.

“Medyo hindi talaga ako sure kung magye-yes siya sa akin. Kasi noong time na ‘yon, Tito Boy, hindi pa talaga siya totally ready,” saad ni EA.

“So, there’s a possibility that she could’ve said ‘not yet?’” paniniyak ni Boy.

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

“Yes, but naniniwala ako sa pag-ibig niya sa akin. Naniniwala ako sa pagmamahal niya. Na hindi siya magno-no sa akin. Hindi niya gagawin sa akin ‘yon kasi mahal niya ako, e,” sabi pa ng aktor.

Ayon pa kay Shaira, inusisa raw ni EA ang mga kaibigan niya at alam daw talaga ng mga ito na hindi pa raw talaga siya handang mag-yes dahil marami pa siyang gustong gawin sa buhay.

“Pero sinecure ni Edgar [EA], in-assure niya na willing to wait siya kahit gaano pa ‘yan katagal. Hindi niya ako pipilitin. Hindi niya ako mamadaliin. Willing to wait siya,” dugtong pa niya.

Matatandaang kamakailan lang ay inanunsiyo nina EA at Shaira sa “Unang Hirit” na engage na raw sila noon pang Disyembre 2021.