Kinuyog ng netizens ang isang beach photo ng singer-actress na si Rachel Alejando matapos nila itong “mapagkamalang” si dating Vice President Leni Robredo.

Sa isang Facebook post para sa kaniyang kaarawan noong Linggo, Pebrero 18, nagbahagi si Alejandro ng isang sexy photo habang nasa isang beach.

“Gracias, everyone, for the birthday greetings! Muchos besos desde Puerto Rico! ,” caption niya sa kaniyang post.

Agad namang napansin ng netizens ang pagkahawig ni Alejandro kay Robredo, base na rin sa naka-side na anggulo ng mukha niya sa larawan.

National

Rep. Abante, binalaan si Harry Roque: ‘Justice will catch up to you!’

Kaya naman, bagama’t inulan si Alejandro ng pagbati sa comment section, maraming netizens din ang kumuyog sa kaniya at iniugnay ang kaniyang larawan kay Robredo.

“Let Leni Lead the summer beach outfit 🙈❤️,” komento ng isang netizen, bagay na ni-reply-an naman ng actress-singer ng: “🤣🤣🤣.”

Narito rin ang ilang mga komento ng netizens sa beach photo ni Alejandro:

“Heto na ating pinuno, handa nang magsun-bathing .”

"Handa nang magsilbi-kini!💖💅🏻✨."

"It's giving good governance 🎀🌷💖."

“Madam Leni Gerona Robredo kakambal ninyo po.”

“Sorry, akala ko si Madam Leni. My fault 🥺."

“Akala ko si VP Leni Robredo ❣️❣️🩵."

“Kulay rosas ang bukas pa din 🌷.”

“It's giving good governance 🎀🌷💖."

“Madam Leniiiiii For the slay ka na naman 🩷🩷🩷."

#LetLeniSwim.”

“Leni Robredo multiverse! Happy Birthday Ms. Rachel ❤️.”